Martes, Oktubre 21, 2014

"Ang Aking Iniingatang Ginto sa Aking Buhay" (Essay)





   

     Nagtataka ba kayo kong sino ang aking gintong iniingatan? Bakit nga ba Siya pa ang napili ko sa lahat ng tao na nakapaligid sakin? Ano bang mga katangian Niya na maihahambing ko sa isang ginto? Sa bawat kasihayan at kalungkutan ng aking buhay ay nandoon Siya palagi sa aking tabi. Siya ang tanging gumagabay at sumusuporta sa ating buhay maliban sa aking pamilya at ang taong ito na tinatawag ko na Siya ay walang iba kundi ang ating mahal na Panginoon.

    Ang Panginoon, siya ang nagsisilbing inspirasyon ko sa pangaraw-araw ko sa buhay. Kapag mawalan man ako ng pag-asa sa aking buhay doon ako sa Kanya,hihingi ng gabay at kaliwanagan sa isipan kong nalilito upang ako'y maging mahinahon sa pagdedesisyon at magtagumpay sa kahit anumang problema sa aking mga gawain at maging sa mga taong nakapaligid sa akin. Kahit hindi ko man Siya nakikita ay malakas pa rin ang aking pananampalataya ko sa Kanya at  sa Kanya rin  tayo makakadama ng totoo na pagmamahal.

       Maari ko naman Siyang maihahambing sa isang ginto kasi Siya o ito ay napakaliwanag,espesyal ,hindi karaniwan at madadama mo ang kasihayan pero ang kasihayan na ito ay walang hanggan kumpara sa isang ginto na kapag ito ay naubos o nawala na ay maglalaho.Masasabi ko rin na Siya ay isang gintong dahil sila ang pinakatatago kong kayamanan sa buhay dahil walang sinuman ang makakasira sa aking pananalig at paniniwala sa kanya at ang pagmamahal sa isa't isa na tayo lamang ang nakakaintindi at nakakaramdam sa ating sarili. Maliban sa aking sarili, Siya rin ay importante sa mga tao,sa lahat ng tao sa mundong ito kasi Siya lamang ang may espesyal na kapangyarihan na makapagpagaan ng loob natin kung may problema man tayo o nahihirapan sa ating buhay at Siya din lamang ang isang kaibigan o Ama natin na doon tayo sa Kanya makakalabas ng sama ng loob sa ating sarili kapag wala na tayong ibang mapupuntahan at malalabasan.

    Sa kahulihan naman, gusto ko lamang ibigay alam na huwag makalimutang pasalamatan ang ating Panginoon sa lahat ng mga biyaya na ating natanggap araw-araw. Suklian natin ang bawat biyaya Niyang ibinigay sa pamamagitan ng pagtulong sa ating kapwa at ipakita ang kabutihan sa lahat ng paraan sa ating makakakaya. Ang gintong ito ay mahalaga kaya dapat ingatan dahil ito ay ibihira lamang dadating sa ating buhay...






(Proyekto sa Filipino)

1 komento:

Blinking Cute Box Panda